top of page
Search
  • BULGAR

2 toneladang shabu nakalusot, dapat imbestigahan ang Customs

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | April 18, 2024



MGA CONG. NA MAG-IIMBESTIGA KAY EX-P-DUTERTE BAKA PAGMUMURAHIN NG EX-PRESIDENT -- Plano ng mga kongresista na ipatawag sa Kamara si ex-P-Duterte tungkol sa isyung “gentleman’s agreement” nito kay Chinese Pres. Xi Jinping na hindi magdadala ng mga repair materials o equipments, at tanging pagkain at tubig lang ang dadalhing supply ng Philippine gov’t. sa mga sundalong nakabantay sa BRP Sierra Madre sa Ayunin Shoal.


Ang tanong: Pinag-isipan bang mabuti ng mga kongresista ang gagawin nilang paggisa kay ex-P-Duterte sa Kamara? Kasi sa totoo lang, kapag itinuloy nila ito at nakaharap na nila ang dating presidente ay baka pulos malulutong na mura ang abutin nila kay ex-P-Duterte, abangan!


XXX


LAGING BIKTIMA NG HARASSMENT ANG MGA MAHIHIRAP, PERO PAMBI-BEYBI NAMAN ANG GINAGAWA NG GOV’T. SA MGA PORK BARREL AT CORRUPT POLITICIANS -- Matapos sabihin ni Pres. Bongbong Marcos (PBBM) na wala ng extension sa Public Utility Vehicle (PUV) consolidation deadline para sa pagpapatupad ng PUV Modernization Program ng pamahalaan, na ang ibig sabihin ay hindi na papayagang ipasada ng mga tsuper at operator ang kanilang mga traditional jeepney pagsapit ng April 30, 2024, samantalang patuloy pa rin ang utos ng ilang alkalde sa kalakhang Maynila na kumpiskahin ang mga kariton at paninda ng mga vendor na nakapuwesto sa mga bangketa at gilid ng kalsada.


Ang mga tsuper ng jeepney ay mga mahihirap lang at ang mga vendor ay mga mahihirap din lang.


Iyan ang nakalulungkot na nangyayari sa Pilipinas, na iyong mga mahihirap lagi ang biktima ng harassment ng pamahalaan, pero ang mga pork barrel at corrupt politicians, binebeybi ng gobyerno, boom!


XXX


KAHIT SA BLOODY DRUG WAR, MGA MAHIHIRAP NA SANGKOT SA DROGA PATAY, PERO MGA DRUG LORD AT BIGTIME PUSHER BUHAY -- Kahit na sa inilunsad na bloody drug war ng nakaraang Duterte administration, ang mga target ng operasyon ay mga maralitang adik o nalululong sa droga at mga runner ng shabu, sila iyong mga nababalitang sinalvage, nanlaban at nilikida ng riding-in-tandem.


Pero ang drug lords at bigtime drug pushers, buhay, at kapag sila ay nahuli, mayroon silang due process na ipagtanggol ang kanilang sarili sa korte, pero kapag dukha na nasangkot sa droga, patay, tsk!


XXX


IMBESTIGAHAN ANG CUSTOMS SA PAGPASOK SA BANSA NG 2 TONELADANG SHABU -- Halos dalawang toneladang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P13 billion na lulan ng isang van ang nakumpiska ng pulisya sa Alitagtag, Batangas.


Karaniwan, ang hinihinalang shabu ay nagmumula umano sa China, kaya’t ang dapat gawin ni PBBM ay paimbestigahan itong mabuti kung paano ito nailusot sa Customs.


Dapat mapanagot kung sino ang nasa likod at mga kasabwat sa pagkakapasok sa bansa ng napakaraming shipment na ito ng shabu, kasi kung hindi ito nasabat ng kapulisan ng Alitagtag, Batangas, nakupo, eh sa rami ng drogang ‘yan, tiyak maraming buhay na naman ng Pinoy ang masisira, period!


0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page