2 timbog... P8.2M LPG ‘paihi,’ buking
- BULGAR

- Jun 21
- 1 min read
ni Benjamin Chavez @News | June 21, 2026

Photo: PNP-PIO
Arestado ang dalawang indibidwal sa isinagawang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit 4A sa Brgy. San Ignacio, matapos masangkot ang mga ito sa ilegal na pagsasalin ng mga LPG sa San Pablo, Laguna.
Narekober sa kanila ang may laman at walang lamang LPG cylinders kasama ng equipment na pangsalin, weighing scale, at isang trailer truck tractor na may laman na nasa 19 tonelada ng LPG.
Ang lahat ng mga nasabing nakumpiska ay tinatayang nagkakahalaga ng P8.2 milyon.
Pinuri naman ni PNP Chief, Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang operating unit para sa mabilis na aksyon.





Comments