top of page
Search
  • BULGAR

2 suspek sa pagkidnap sa Chinese national, patay


ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 3, 2021



Dalawa ang patay sa engkuwentro ng awtoridad at dalawang hinihinalang miyembro ng notorious robbery/kidnapping group sa South Luzon Expressway (SLEX), Calamba, Laguna ngayong Huwebes nang hapon.


Nagsagawa umano ng operasyon ang Regional Intelligence Division-Anti-Carnapping Unit (RID-ANCAR) matapos makatanggap ng ulat na dinukot ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng puting Toyota van patungong SLEX ang isang Chinese national sa Parañaque City.


Nang makita ng RID-ANCAR agents ang target, natunugan naman ng mga suspek ang mga ito at kaagad pinaputukan ang mga awtoridad.


Gumanti ng putok ng baril ang mga pulis at napatay ang mga suspek. Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon sa insidente at hindi binanggit ng awtoridad ang nasabing Chinese kidnap victim.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page