2 sunod na panalo, itatarak ni Binibini
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | August 19, 2022
Puntirya ni Binibini na itarak ang dalawang sunod na panalo pag-arangkada nito sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ilalarga ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Kapapanalo lamang ni Binibini noong Linggo, nauna itong tumawid sa meta sa 3-Year-Old & Above Maiden Race kung saan ay nirendahan siya ni Rodeo Fernandez.
Rarampa muli sa pista si Binibini sa distansiyang 1,200 meter race pero couple entry siya ni Copy Cat at iba ang kanyang hinete.
Ang sasakay kay Binibini ay si Rico Suson habang si Copy Cat ang rerendahan ni Fernandez sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Ang ibang kasali ay sina Loyal Pal, Angel Brulay, Emperor Angel, Burning The Tracks, Right Answer at Truthmaker.
Nakalaan ang added prize na P25,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa finish line, kukubrahin ng winning connection ang P20,000 habang mapupunta ang karagdagang P5,000 premyo sa may-ari ng nanalong kabayo.
Inaasahan din na bakbakan ang masisilayan ng mga karerista sa labanan ng anim na kabayo sa magaganap na Condition Race 23 na ilalarga sa seventh at last race.
Magtatagisan ng bilis sina Musikera, Lion's Gate, Santiago's Pride, Oakhill Princess, Sweetness at Konzeelanz.
Samantala, pitong races ang pakakawalan ng Philippine Racing Club Inc. (PRCI), magsisimula ang karera sa alas-5:30 ng hapon.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Gensan Special (6), Bull Star Rising (1)
Race 2 - Double Rock (6), Rhea's Choice (4)
Race 3 - Crown In My Head (1), Kailuphia/Pilya (5)
Race 4 - Sweet Drems (6), Red Hawk (1)
Race 5 - Magnolia Yana (5), Phenom (2)
Race 6 - Binibini/Copy Cat (2/2A), Loyal Pal (1)
Race 7 - Santiago's Pride (3), Konzeelanz (6)





Comments