Hawk-Eagle at Pilipinong unggoy, ibinalik sa wild sa Zamboanga del Norte

by BRO @News | October 1, 2026

Photo: DENR Zamboanga Peninsula
Ibinalik sa kanilang natural na tirahan ang isang South Philippine Hawk-Eagle at isang Philippine long-tailed macaque matapos mailigtas sa Baliguian, Zamboanga del Norte.
Inilabas ng mga tauhan ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO)-Liloy ang dalawang batang hayop sa isang lugar na ligtas at angkop para sa kanilang pagbabalik sa wild.
Bago ito pinalaya, sumailalim muna ang mga hayop sa health assessment upang matiyak na nasa maayos silang kondisyon at kaya nang mabuhay muli sa kanilang natural na tirahan.
Ayon kay CENRO-Liloy OIC Maribel Acama, bahagi ito ng patuloy na programa ng DENR para maprotektahan ang wildlife at biodiversity sa lalawigan.
Hinimok naman ang publiko na huwag manghuli o mag-alaga ng wild animals bilang pets at sa halip ay ireport agad sa awtoridad ang mga hayop na nasugatan o naliligaw.





Comments