2 preso, nakapuga sa Cavite Jail
- BULGAR

- 3 hours ago
- 1 min read
ni Janice Baricuatro @News | June 29, 2026

Photo: FIle / Cavite Provincial Jail
Nakatakas mula sa Cavite Provincial Jail ang dalawang preso kamakalawa ng umaga.
Kinilala ang mga pugante na sina alyas Darwin, ng Kawit, Cavite, at Leo na taga-Pasay City.
Ayon kay Provincial Warden Candelario Warllie R. Hermo, alas-8:44 ng umaga nang maganap ang pagtakas.
Sa CCTV footage, naglalakad ang dalawa patungo sa kusina malapit sa E-Hearing Room. Inakyat nila ang konkretong pader, sinira ang barbed wire sa itaas saka tumalon para makatakas.
Naglunsad na ng manhunt operation ang Cavite Provincial Jail Recovery Team para madakip ang mga pugante.





Comments