top of page
WINNER - ALEX, INILANTAD NA ANG PAGBUBUNTIS-IG _cathygonzaga.jpg

2 PNP officials, sibak sa missing sabungeros

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | May 22, 2026



Rey Malonzo at Dean Asistio - Gigi Malonzo  - FB

Photo: File / PNP-CIDG



Dalawang opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang sinibak sa kanilang puwesto habang sila'y iniimbestigahan sa umano’y pakikialam nila sa kaso ng mga nawawalang sabungero.


Ito ang kinumpirma ni PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) Director Police Brig. General Rommel Batangan kung saan pinangalanan nito ang sangkot na sina Police Lieutenant Colonel Nadame Malang, tagapagsalita ng HPG, at Police Major Reynaldo Pañebe Jr. hepe ng PNP Custodial Center.


Ayon kay Batangan, inilagay na sa floating status si Malang at inilipat sa headquarters ng kanilang tanggapan alinsunod sa utos ng Chief PNP.


Sinabi ni Batangan na nais lamang umano ni Malang na tumulong sa mga kaanak ng mga nawawalang sabungero na humingi ng kanyang tulong at inamin nitong tinulungan lamang niya ang mga ito na makapasok sa compound ng police headquarters.


Samantala, sinabi naman ni Police Brig. General Manuel Abrugena, hepe ng Headquarters Support Services, na agad ding inalis sa puwesto si Pañebe sa direktiba ng Chief PNP.


Ayon kay Abrugena, sinabi umano ni Pañebe na hindi niya alam na ang mga bumisita sa PNP custodial facility ay mga pamilya ng mga nawawalang sabungero.

Nitong Miyerkules, naghain ng reklamong administratibo sa Napolcom ang ilang complainant sa kaso ng missing sabungero laban kina Malang at Pañebe dahil sa umano’y pakikialam sa kaso.


Sinabi ng mga complainant na tinulungan umano ng dalawang pulis ang kanilang pagbisita sa mga akusado sa kaso na nakakulong sa Camp Crame.


Inihayag din nila na ilang orihinal na complainants umano ang umatras sa kaso matapos makatanggap ng umano’y P40,000 buwanang ayuda kapalit ng pag-atras sa reklamo bagay na inaalam na ng PNP.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page