2 patay sa pagsalpok ng training aircraft sa pampasaherong eroplano
- BULGAR

- Mar 6, 2024
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | March 6, 2024

Nasawi ang isang student pilot at ang kanyang coach matapos na sumalpok ang Cessna training aircraft na minamaneho sa pampasaherong eroplano sa Nairobi.
Patungo sana sa coastal resort na Diani ang Safarilink na may sakay na 44 pasahero nang makarinig ng malakas na pagsalpok.
Wala namang nasugatan sa mga pasahero sa nasabing insidente at agad silang nakababa sa Wilson Airport.
Kasalukuyang tinutukoy ng mga otoridad ang naging dahilan ng aksidente.





Comments