2 pasahero ng bus pinagbabaril habang tulog, todas
- BULGAR

- Nov 16, 2023
- 1 min read
ni Angela Fernando - Trainee @News | November 16, 2023

Patay ang dalawang pasahero ng bus matapos pagbabarilin habang natutulog sa biyahe mula Carranglan, Nueva Ecija.
Kinilala ang mga biktima bilang Mendoza Quillano at Arman Bautista.
Viral ang video ngayon na kuha mula sa camera ng bus na biyaheng pa-Maynila kung saan nakaupo sa unahan ang dalawang biktima at natutulog nang bigla itong pinagbabaril sa ulo at leeg ng dalawang di kilalang lalaki.
Agad na pinahinto ng dalawa ang bus at bumaba ang mga ito.
Ayon sa ulat ng hepe ng Carranglan Police, sinasabing galing ang mga biktima sa Cauayan City, Isabela, at galing naman sa Bayombong ang mga salarin.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen.





Comments