top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

2 pang Pinoy, nadale sa Taiwan... 3 sasakyan nagsalpukan, 62-anyos na Pinay, todas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 56 minutes ago
  • 1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | August 26, 2026



2 pang Pinoy, nadale sa Taiwan... 3 sasakyan nagsalpukan, 62-anyos na Pinay, todas

Photo: File / FP



Isang Pinay ang kabilang sa dalawang nasawi sa isang vehicular accident sa Taiwan noong Agosto 19, ayon sa Manila Economic and Cultural Office (MECO).


Kinilala ang biktima na si Ebelia Escalona Cortes, 62, na nasangkot sa aksidente sa Freeway No. 1 sa Miaoli County.


Batay sa ulat ng Taiwanese media, sakay si Cortes ng van na patungo sa Taiwan Taoyuan International Airport nang bumangga ito sa likuran ng isang Tesla sedan.


Matapos ang unang banggaan, bumaba ang dalawang driver upang mag-usap. Ngunit isang sedan ang sumalpok sa van habang nasa labas sila. Ayon sa pulisya, naipit si Cortes sa pagitan ng front passenger seat at mga upuan sa likuran.


Dalawa pang Pilipino, sina Gloria Tiu Chua at Gerald Ritkie Tiu Chua, ang nagtamo ng minor injuries at ligtas nang nakabalik sa Maynila noong Agosto 23.


Nakatakdang maiuwi sa Pilipinas ang mga labi ni Cortes sa Agosto 30. Nangako ang MECO na tutulong sa kanyang pamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page