2 nadale sa pag-atake ng aso

ni Carlos S. Corpuz (OST) | April 12, 2023

Queensland, Australia — Isang anim na taong gulang na batang babae ang kasalukuyang nagpapagaling sa ospital matapos atakihin ng aso habang naglalaro.
Kinilala ang biktima na si Laquarna Chapman Palmer, na nagtamo ng sugat sa tiyan at dibdib. Samantala, nagtamo rin ng sugat ang isang lalaki na kinilalang si Reece Chapman, tiyuhin ng biktima matapos saklolohan ang bata sa pag-atake ng mga hayop.
Sinabi ng opisyal na “talagang nakakakilabot” ang insidente at iniimbestigahan na ng pulisya.





Comments