2 motor nagsalpukan, 1 dedo

ni Janice Baricuatro @News | October 31, 2026

Photo: File / Collision
Patay ang isang rider habang sugatan ang dalawang iba pa matapos magsalpukan ang dalawang motorsiklo sa Indang-Naic Road, Brgy. Banaba Cerca, Indang, Cavite, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nasawi sa alyas Ronel, habang sugatan naman ang rider na si alyas Christopher at angkas nitong si Zaijan.
Batay sa imbestigasyon, dahil sa kurbadang bahagi ng kalsada, hindi na nagkaiwasan ang dalawang motor at nagsalpukan. Tumilapon si Ronel at isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.
Matapos malapatan ng lunas, nasa kustodiya na ng pulisya sina “Christopher” at “Zaijan” habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa mga ito.





Comments