2 mananaya, wagi sa P70 M ng Ultra Lotto 6/58 at P20 M ng Mega Lotto 6/45

ni Lolet Abania | January 15, 2022

Wagi ang dalawang mananaya sa magkahiwalay na jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 at Mega Lotto 6/45 draws nitong Biyernes ng gabi, Enero 14, 2022.
Batay sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), isa ang tumama sa Ultra Lotto 6/58 draw na may winning number combination na 53-10-19-21-42-47.
Umabot sa P70,258,716.80 ang jackpot prize nito.
Nakasaad din sa website, na isa rin ang tumama sa kasabay na Mega Lotto 6/45 na may winning number combination na 24-31-20-17-13-18.
Umabot naman ang jackpot prize sa P20,212,102.00.
Noong Enero 13, Huwebes lamang nagpatuloy ang mga draws ng lotto, matapos na magpatupad ng break ang PCSO mula Enero 10 hanggang 12, sanhi ng pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.





Comments