Search
  • BULGAR

2 lang daw ang bra, 8 yrs. na!... ANGELICA KAY IVANA: AY, ANG BABOY PALA!

Julie Bonifacio - @Winner | December 3, 2020




Nakakaaliw ang interbyu ni Angelica Panganiban kay Ivana Alawi sa latest episode ng online show ng Kapamilya actress titled Ask Angelica.


Viral ang "usapang braless" sa interbyu ni Angelica kay Ivana. Inamin kasi ni Ivana sa show ni Angelica na hindi siya nagsusuot ng bra. So, tinanong siya ni Angelica kung ano ang pakiramdam na walang suot na bra.


"Wala," sagot ni Ivana. "Ayokong may masikip sa katawan ko. Gusto ko, lagi akong free, ganu'n. Kasi, ever since talaga hindi ako mahilig mag-bra. Unless, ano lang, 'yung mga 'KUTSINTA' (silicone bra) na ididikit ko lang. O kaya, nipple tape para hindi makita 'yung bakat."


Kitang-kita sa mukha ni Kean Cipriano na co-host ni Angelica ang pagkabigla sa naging sagot ni Ivana.


Pero mas nag-react naman si Angelica nu'ng i-reveal ni Ivana kung ilan ang kanyang bra.


"Dalawa, promise. Ano na, eight years na 'yung bra ko," pagmamalaki pa ni Ivana.


Biro naman ni Angelica, "In fairness, nakaka-proud, ha? Parang..... baka bumaba ang followers mo from 9 million sa YouTube. 'Ay! Ang baboy pala!' Hahaha!"


Actually, 'di lang 9M ang subscribers ni Ivana kundi nasa 10 M na!


Sa laki ng kinikita ni Ivana bilang YouTube content creator, kering-keri na niyang pagpahingahin at itago na lang sa kanyang aparador ang dalawa niyang bra… for life!


Teka, baka naman maisipan pa ni Ivana na magpa-contest sa kanyang YT channel at gawing prize ang kanyang 8-year-old underwear instead na itago na lang sa kanyang cabinet.


Well, let's see.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.