2 lang ang kasama sa civil wedding… MARK AT NICOLE, NAGPAKASAL NA NU’NG SEPT. 8
ni Nitz Miralles - @Bida | September 20, 2021

Congratulations kina Mark Herras at Nicole Donesa dahil kasal na silang dalawa noong September 8.
Sa nakita naming photos, civil ang wedding ng dalawa at si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nagkasal sa kanila sa office nito sa Quezon City Hall, pero pumunta sila ng church after their civil wedding.
Simple ang caption ni Mark sa wedding photos nila ni Nicole na: “Got married. Hi, Mrs. Herras #MarkNicoHerras.”
Post naman ni Nicole, “We tied the knot on Mama Mary’s birthday.”
Nasa YouTube nina Mark at Nicole ang coverage ng civil wedding nila na two witnesses lang ang kasama at isa rito ang mom ni Nicole. Pinayagan ni Mayor Joy sina Mark at Nicole na alisin ang face mask para sila’y makapag-kiss.
Hindi na siguro nagpaalam si Mark kay Lolit Solis na magpapakasal na sila ni Nicole dahil bumitaw na si Lolit na manager ni Mark after ng P30K controversy.





Comments