top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

2 lalaki, kulong sa baril

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

ni Maeng Santos @News | September 13, 2026



2 lalaki, kulong sa baril

Photo: Circulated. Caloocan City



Kalaboso ang dalawang lalaki nang madampot ng pulisya dahil sa pagdadala ng baril sa Caloocan City.


Sa ulat ng tanggapan ni NPD Director P/BGen. Benliner Capili, nagpapatrulya ang mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth sa Bo. San Lazaro, Brgy. 187 nang maaktuhan nila ang 24-anyos na si alyas Win-Win na pinaglalaruan ang hawak na baril alas-2:15 ng madaling-araw.


Gayunman, nang mapansin ng suspek ang presensya ng kapulisan ay kumaripas ito ng takbo, subalit hinabol siya ng mga ito hanggang sa makorner, saka kinumpiska ang dala nitong isang kalibre .38 revolver na karagado ng tatlong bala.


Nauna rito, inaresto naman ng mga tauhan ng Sangandaan Police Sub-Station na nagsasagawa ng operation ang 24-anyos sa Brgy. 12 nang matiyempuhang may bitbit umanong baril habang pagala-gala sa nasabing lugar at nakuha sa kanya ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng dalawang bala.


Nang hanapan sila ng kaukulang mga dokumentong nagpapahintulot sa kanila na magmay-ari at magdala ng baril ay kapwa walang naipakita ang mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page