top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

2 kaso, ibinasura.. Sonza, kulong pa rin sa libel

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 18, 2023
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | August 18, 2023




Ibinasura ng Quezon City Regional Trial Court ang dalawang kaso na inihain laban sa dating broadcaster na si Jay Sonza.


Ayon sa tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na si Jail Chief Inspector Jayrex Joseph Bustinera, ang QC RTC Branch 100 ang pansamantalang nagpapawalambisa sa kasong syndicated at large-scale illegal recruitment kay Sonza dahil hindi sumipot sa hearing ang ilang mga complainant.


Samantala, pinawalambisa rin pansamantala ng QC Regional Trial Court Branch 25 ang kahalintulad na mga kaso laban sa broadcaster na si Sonza.


Nabatid kay Assistant City Prosecutor Joseph Seares, nabigong makipag-ugnayan sa kanila ang private complainants sa nabanggit na mga kaso sa kabila ng pagsisikap ng prosekusyon na sila'y makausap kaugnay nito.


Paliwanag ni Bustinera, ang pansamantalang pagpapawalambisa sa naturang mga kaso ni Sonza ay maaaring buhayin pa sa loob ng dalawang taon at kung may sapat na mga ebidensyang kakailanganin para mabuksang muli.


Gayunman, mananatili pa rin sa detention facility ng BJMP si Sonza dahil sa mga kasong nakabinbin sa korte tulad ng 11 counts ng estafa sa Branch 100 at isang libel case sa QC RTC Branch 77.


Nakatakda namang dinggin ng RTC Branch 77 ang mga kasong nakabinbin kay Sonza ngayong araw, Agosto 18.


“'Yung libel has bail of P10,000. 'Yung estafa, we are checking pa,” wika ni Bustinera.


Kasalukuyang nakakulong si Sonza sa Quezon City Jail-Ligtas COVID Center Quarantine Facility sa Payatas, Quezon City.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page