top of page

2 kabataan, dawit sa pamamaril sa Super Bowl parade

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 17, 2024
  • 1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 17, 2024




WASHINGTON – Inakusahan ang dalawang kabataan kaugnay ng pamamaril sa parada ng Kansas City Chiefs Super Bowl, na nagresulta sa isang pagkamatay at 22 mga sugatan, ayon sa mga opisyal nitong Biyernes.


Hindi kinilala ang pares dahil sa kanilang edad. Sinampahan sila ng mga kasong kaugnay ng mapanganib na paggamit ng baril at pagpalag sa pag-aresto, ayon sa pahayag ng juvenile division ng 16th Circuit Court of Jackson County.


“Additional charges are expected in the future,” dagdag nito.


Inaresto ang dalawang kabataan matapos ang pamamaril sa victory parade ng Kansas City noong Miyerkules, na nakapagdulot ng pagdalo ng halos isang milyong tagahanga.

Ipinabatid ni Kansas City Police Chief Stacey Graves sa mga mamamahayag na bunga ng alitan ang pamamaril, at walang koneksyon sa terorismo o karahasan ng ekstremismo.


Ipinagdiriwang ng Chiefs ang kanilang ikatlong tagumpay sa Super Bowl sa loob ng five seasons, matapos talunin ang San Francisco 49ers sa Las Vegas noong nakaraang Linggo.


Kilala naman ang United States bilang pugad ng 'mass shooting' dahil sa mataas na bilang ng mga baril.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page