top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

2 helicopter, nagsalpukan habang nag-aapula ng wildfire

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 4
  • 1 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | August 4, 2026



Helicopters collide in Greece wildfire

Photo: Circulated / SS



Nagbanggaan ang dalawang firefighting helicopter habang nagsasagawa ng aerial operation laban sa malaking wildfire sa Attica region, Greece nitong Linggo.


Ayon sa Greek Fire Service, ligtas na nasagip ang crew ng isang helicopter, habang nagpapatuloy ang search and rescue operation para sa mga sakay ng ikalawang aircraft na nasangkot sa insidente.


Dahil sa lumalalang wildfire, nagpatupad ang mga awtoridad ng sapilitang evacuation sa ilang komunidad sa Attica, kabilang ang mga lugar malapit sa bayan ng Megara, upang mailayo sa panganib ang mga residente.


Samantala, panibagong wildfire din ang sumiklab sa tourist island ng Kefalonia, dahilan upang lumikas ang mga residente sa ilang komunidad habang patuloy ang pag-apula sa apoy.


Bagama’t humuhupa na ang mga wildfire sa France at Spain, nananatiling mataas ang banta ng sunog sa iba’t ibang bahagi ng Europa dahil sa matinding tagtuyot at heatwave, na nagpapalala rin sa kakulangan ng suplay ng tubig.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page