top of page
BULGARY - ALEX EALA, TAGILID MAGMULTA NG P620K, SEN. TULFO, TO THE RESCUE-IG _alex.eala &

100 pa ginagamot... 48 todas sa alak

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
2 min read

ni Justine Berganio @Overseas News | September 19, 2026



48 katao patay alcoholic concoction na pinaghihinalaang may halong methanol sa Ondo state, southern Nigeria. - AP Photo_Dapo Alley

Photo: 48 katao patay alcoholic concoction na pinaghihinalaang may halong methanol sa Ondo state, southern Nigeria. - AP / Dapo Alley



Patay ang hindi bababa sa 48 katao habang nasa 100 iba pa ang ginagamot matapos uminom ng locally brewed alcoholic concoction na pinaghihinalaang may halong methanol sa Ondo state, southern Nigeria.


Ayon kay Health Commissioner Banji Ajaka, nasa 182 katao ang posibleng naapektuhan sa Odigbo at Irele, kabilang ang mga kasalukuyang ginagamot sa mga ospital.


Kabilang sa mga biktima si Sola Adebayo, 32, na nagsabing matapos uminom ng dalawang shot ay nakaranas siya ng pagkawala ng paningin kinabukasan.


Karaniwang iniinom sa mga rural area ang locally made alcohol dahil mas mura at hindi gaanong regulated. Ayon kay Ajaka, maaaring mabilis makasira sa kidneys, mata at utak ang methanol poisoning.


Samantala, 15 katao ang inaresto ng pulisya kaugnay ng insidente, kabilang ang isang taong umano’y sangkot sa paggawa ng produktong pinaghihinalaang may methanol.


Hinala naman ng mga residente na isang mataas sa alcohol na herbal drink na tinatawag na “Monkey Tail” ang nahaluan ng methanol. Iniimbestigahan pa ang eksaktong pinagmulan ng nakalalasong inumin.


Kasabay nito, ipinatutupad ng Nigeria ang nationwide ban sa alcohol na ibinebenta sa sachets at maliliit na plastic containers, na ayon sa food and drug agency ay madaling naaabot ng mga bata at kabataan.





9 BEBOT, PINATAY



UMABOT na sa siyam ang mga babaeng natagpuang patay sa loob lamang ng dalawang buwan sa Ekurhuleni, silangan ng Johannesburg, South Africa, kaya nagsagawa ng malawakang imbestigasyon ang pulisya.


Huling nadiskubre nitong Huwebes ang katawan ng isang babaeng tinatayang nasa 30s sa Dawn Park. Ayon sa pulisya, wala pa itong pagkakakilanlan habang patuloy na sinusuri ang mga pangyayari sa pagkamatay.


Kabilang sa mga nakilalang biktima sina Elizabeth “Tsontso” Moselakgomo, 38, na nawala matapos umalis para mag-jogging, Itumeleng Kekana at Dineo Evelyn Motapane, 38.


Ang unang katawan ay natagpuan sa Kempton Park noong Hulyo 15. Isang suspek ang naaresto makalipas ang dalawang araw at nananatili sa kustodiya, pero hindi pa ito iniuugnay ng pulisya sa iba pang kaso.


Bumuo na ang awtoridad ng multidisciplinary team na binubuo ng detectives, intelligence officers, forensic experts at iba pang espesyalista para alamin kung may koneksyon ang siyam na insidente. May tinutugis ding person of interest.


Nagbabala naman ang pulisya laban sa espekulasyon na serial killer agad ang nasa likod nito, dahil maaari umanong magkahiwalay ang mga kaso. Sinabi rin ni Acting Police Minister Firoz Cachalia na lumilitaw sa ngayon na magkakaibang insidente ang ilan sa mga pagkamatay.


Dahil sa sunud-sunod na insidente, kumalat ang takot sa Ekurhuleni, lalo na sa mga babae. Nangako si President Cyril Ramaphosa na gagawin ang lahat para matukoy ang nasa likod ng mga pagpatay.


Naglaan ang authorities ng 400,000 rand o humigit-kumulang $24,000 (P1.5M) pabuya para sa impormasyong hahantong sa pagkakaaresto ng mga suspek, habang hinihikayat ang mga pamilya ng nawawalang kamag-anak na tumulong sa pagkilala sa mga biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page