2 drayber, nagpositibo sa random drug testing sa QC – LTO
ni Lolet Abania | September 29, 2022

Dalawang drayber ang nagpositibo sa test sa paggamit ng ilegal na droga sa ginawang random drug testing ng mga awtoridad mula sa tinatayang 60 drivers sa isang bus terminal sa Quezon City ngayong Huwebes.
Ang initial drug screening ay isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Land Transportation Office (LTO).
Kinumpiska na ng LTO ang mga drivers’ licenses ng mga ito habang naghihintay sa confirmatory tests na gagawin ng PDEA.

Paalala naman ng LTO sa mga motorista na huwag na magmamaneho na nakainom ng alak at gumamit ng illegal drugs para maiwasan ang mga aksidente.
Nagbabala rin ang ahensiya sa mga mahuhuli lumabag ay subject ang mga ito sa mas matinding parusa, kabilang na rito ang criminal charges.
Batay sa datos ng LTO, umaabot sa 538 road accidents sa National Capital Region (NCR) bawat taon, kung saan mahigit 400 ay dahil sa mga drivers na nakainom ng alcohol.





Comments