top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

2 drayber, huli sa aktong nagsa-shabu sa tricycle

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 21 hours ago
  • 1 min read

ni Maeng Santos @News | August 25, 2026



2 DRAYBER, HULI SA AKTONG NAGSA-SHABU SA TRICYCLE

Photo: FP



Kulong ang dalawang tricycle driver nang maaktuhang sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang nakaparadang tricycle sa Valenzuela City.


Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang mga suspek na sina “Jomar,” 26, ng Brgy. Marulas at “Mark,” 38, ng Brgy. Gen T De Leon.


Sa imbestigasyon ni P/MSg. Carlito Nerit Jr., nakatanggap ng tawag ang mga tauhan ng Police Sub-Station 3 at ipinaalam sa kanila ang nagaganap umanong pot session sa parking lot ng Antonette Townhomes, Brgy. Marulas.


Agad nagsagawa ng validation sa nasabing lugar kung saan naaktuhan ang mga suspek na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang nakaparadang tricycle alas-10:12 ng gabi na dahilan ng kanilang pagkakaaresto.


Nasamsam sa kanila nina PCpl. Inglis Balagtas at PCpl. John Melo De Paz ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng umano'y shabu at ilang drug paraphernalia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page