2 dekada raw sa public service… ISKO, PROUD NA MAY ‘K’ BILANG BAGONG HOST NG EB!
- BULGAR
- Jun 17, 2023
- 2 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | June 17, 2023

Nagpaunlak ng maikling panayam sa amin si dating Yorme Isko Moreno bilang isa sa mga bagong hosts ng Eat… Bulaga!.
“Wala kaming balak na pantayan man lang ang nagawa ng TVJ. We are here sa bagong Eat… Bulaga! para ipagpatuloy din ang pagbibigay-saya.
“Too big to fill-in ang nagawa nina Tito, Vic and Joey. Forty-four years is no joke. Give it (credits and respect) to them,” panimula ni Yorme Isko na nakikita ngang sumasayaw, kumakanta at nakikipagbardagulan sa show.
Hit na hit ang kanyang segment na G sa Gedlli kasama si Buboy Villar. May isang pangyayari ngang may binigyan sila ng papremyong pera na isang jeepney driver at sa pagpapasalamat nito sa EB! ay binanggit niya sina Tito, Vic at Joey.
Marespeto at maliksi naman itong in-acknowledge ni Yorme Isko, sabay hirit na sila na ang bagong mga hosts ng EB!.
Dahil nga ru’n ay marami ang humanga kay Yorme Isko at talaga namang very positive ang reception ng mga tao sa kanya.
“Malaking bagay ang kanyang maturity at wisdom para sa show,” tsika nga ng netizen.
“Siguro naman, with my experience as a host noong nasa showbiz pa tayo, from That's Entertainment to GMA Supershow, plus ‘yung mga natutunan natin sa mahigit na two decades ko sa public service… I have something to offer to our audience and to share to my co-hosts and the whole production," sey pa ni Yorme Isko.
Ayaw niyang matawag na bagong ‘bossing’ ng programa dahil dapat daw ay collaborative effort ang lahat at may kani-kanyang liderato ang bawat isa sa kanila.
“But I appreciate the kind of respect they are giving me. Kung ang ibig sabihin nu’n ay ako ang kanilang magiging figure head, tatay o tito, being the oldest in the group, that's a wonderful thing,” dagdag pa nito.
Then, naki-Marites kami at sabay hirit na, “Mas bagay siguro kung ikaw ang bagong godfather o ninong ng show sa dami ng ipinamimigay ninyong papremyo, cash man ‘yan o gadgets.”
Natawa lang si Yorme Isko sa sinabi namin.
Sundot naman ng isa naming ka-Marites na si Jun Nardo, “Naku, Yorme, malaking tulong daw ito para sa political career mo?”
Sagot ni Yorme Isko, “Naku, Jun, tapos na tayo doon. Retired na ako sa pulitika. Balik-showbiz muna tayo.”
Ngayong Sabado, makakasamang mag-perform ni Yorme Isko ang guwapo at magaling na aktor niyang anak na si Joaquin Domagoso na nag-deny namang inalok siya ng bagong EB! upang maging bahagi ng kanilang show.
There it goes.





Comments