2 dedbol sa hot air balloon

ni Loraine Fuasan (OJT) | April 3, 2023

MEXICO CITY — Dalawa ang nasawi at isang sugatang batang babae ang nadiskubre matapos masunog ang hot air balloon na kanilang sinakyan malapit sa pre-Hispanic ruin site ng Teotihuacan, noong Sabado.
Ayon sa mga opisyal, ang batang babae ay nagtamo ng matinding paso at bali ang braso.
Natukoy ang mga biktima na isang lalaki, 50, at isang babae, 38.
Ang Teotihuacan ay dating malaking lungsod na may mahigit 100,000 naninirahan.
Ang misteryosong lungsod pa rin ang isa sa pinakamalaking tuktok sa pagitan ng 100 B.C. at A.D. 750.
Samantala, ito ay inabandona bago pa ang pag-usbong ng mga Aztec noong ika-14 siglo.
Iniimbestigahan pa kung ano ang sanhi ng insidente.





Comments