top of page
TALKIES - KAREN, PROUD NA PROUD NA NAKAUSAP SI ANGELINA JOLIE_FB Karen Davila.jpeg

2 bata nagsindi ng kandila, 1 yr. old na kapatid, patay sa sunog

Writer: BULGAR
BULGAR
7 hours ago
1 min read

by Janice Baricuatro @News | November 15, 2026



2 bata nagsindi ng kandila, 1 yr. old na kapatid, patay sa sunog

Photo: File



Nasawi ang isang taong gulang na bata matapos masunog ang kanilang bahay sa Brgy. Milagrosa, Carmona City, Cavite, kamakalawa ng gabi.


Sa inisyal na imbestigasyon ng Carmona City Police, iniwan umano ng ina ang batang si alyas Tonying sa pangangalaga ng dalawa pa niyang menor-de-edad na anak saka nagtungo sa kapitbahay upang maghanda ng kanilang hapunan.


Sa halip na bantayan ang bunsong kapatid, nagsindi umano ng kandila ang dalawang bata at inilagay ito sa kuwarto kung saan natutulog ang sanggol.


Naglalaman din umano ng mga madaling magliyab na gamit ang silid. Kalaunan, lumabas ang dalawa upang maglaro habang naiwan ang kanilang kapatid sa loob. Maya-maya ay doon na umano nagliyab ang bahay. 


Naapula ang apoy alas-10:50 ng gabi, subalit natagpuan ng mga rumespondeng bumbero ang wala nang buhay na bata sa loob ng nasunog na kwarto.


Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng pulisya sa SOCO 4A para sa masusing pagsusuri sa pinangyarihan ng sunog at pagtukoy sa sanhi nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page