2 bangka lumubog, 29 dedo

Mar 28, 2023
1 min read
ni Loraine Fuasan (OJT) | March 28, 2023

Halos 29 migrants ang namatay matapos lumubog ang sinasakyan na dalawang bangka sa karagatan ng Tunisia.
Batay sa ulat, tumatawid ang dalawang bangka sa Mediterranean kung saan nakasakay ang 29 migrants papuntang Italy nang mangyari ang insidente.
Ito ay ilang araw matapos maganap ang paghihigpit ng Tunisia sa mga undocumented African migrants.
Ang Tunisia ay itinuturing na hub ng mga migrants na nagnanais makatawid sa Europa.





Comments