top of page
Search
  • BULGAR

2 bagong Omicron subvariant BQ.1 cases, na-detect– DOH

ni Lolet Abania | December 2, 2022



Nakapagtala sa bansa ng 2 bagong kaso ng Omicron subvariant BQ.1, kaya umabot na ito sa 16 cases ng sakit, ayon sa Department of Health (DOH).


Sa latest COVID-19 biosurveillance report ng DOH, lumabas na ang 2 local BQ.1 cases ay na-detect sa Cagayan Valley at Central Visayas.


Ang BQ.1, na isang sublineage ng Omicron BA.5, ay kinukonsidera bilang isang variant of interest ng European Center for Disease Control (ECDC).


Itinuturing na mas matinding makahawa at mas magaling mag-evade ng immunity, ang BQ.1 ang nagpataas ng mga kaso ng coronavirus infections sa US, UK, at maraming bahagi sa Europe.


Naka-detect din ang DOH ng 536 bagong kaso ng Omicron subvariants.


Kabilang dito ang 2 na BQ.1 cases, may 353 kaso ng BA.2.3.20, 1 kaso ng BA.4, 21 cases ng BA.5, 133 kaso ng XBB at 28 cases na itinuturing bilang ibang Omicron sublineages.


Nakapag-record din ang ahensiya ng 45 bagong kaso ng XBC at 3 pang mga kaso ng Delta variant.


Ayon sa DOH, ito ay resulta ng latest sequencing run na isinagawa ng University of the Philippines-Philippine Genome Center at Southern Philippines Medical Center mula Nobyembre 21-24.


Lahat ng karagdagang kaso ng BA.2.3.20 ay local cases mula sa 10 rehiyon, ang Regions 1, 2, 3, 4A, 5, 6, 7, 11, CAR, at National Capital Region (NCR).


Sa 21 kaso ng BA.5, 19 ay local cases mula Regions 2, 6, 7, 11, 12, at CAR, at ang natitirang 2 kaso ay mga returning overseas Filipinos (ROFs).


Sa ginanap na virtual town hall forum nitong Martes, ayon kay Dr. Alethea De Guzman, director ng epidemiology bureau ng DOH, “Omicron has become the most prevalent strain worldwide.”


Sinabi rin ni De Guzman, tinututukan na rin ng mga health authorities ang 4 na subvariants o kilala bilang BF.7, BA.5.2, BQ.1.1 at BA.2.75.


Aniya pa, ang Omicron ay naging dominant strain sa Pilipinas simula pa noong Disyembre 2021.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page