2 bagong airline ng MIAA, lilipad na
- BULGAR

- Nov 9, 2023
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 9, 2023

Lilipad na ang dalawang bagong airline sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) ngayong Huwebes.
Ipinahayag ng MIAA na isasagawa ang operasyon ng Greater Bay Airlines at Batik Air sa main gateway ng bansa.
Mayroong limang weekly flights ang Greater Bay Airlines mula Hong Kong patungong Manila, simula Nobyembre 9. Darating naman ang HB 231 sa NAIA Terminal 3 alas-2 ng madaling-araw, at aalis naman ang HB 232 mula sa Pilipinas alas-3 ng madaling-araw.
Samantala, lilipad araw-araw ang Malaysian-based Batik Air mula Kuala Lumpur patungong Manila simula Disyembre 1. Nasa NAIA Terminal 3 naman ang Flight OD 510 alas-2:50 ng madaling-araw, habang aalis ang Flight OD 511 alas-3:50 ng madaling-araw.
Nagdadagdag ang pagpasok ng Greater Bay Airlines at Batik Air sa kabuuang bilang ng mga airline ng NAIA sa 48, kung saan 42 ang international carriers na nag-oopera para sa 57 destinasyon.





Comments