top of page
Toni Talks - Bongbong Marcos Interview.jpg

2 babae, kulong sa P250K sangla-bahay scam

Writer: BULGAR
BULGAR
3 hours ago
1 min read

ni Gina Plenago @News | November 20, 2026



Fake land title registry of deeds, sangla bahay - fp

Photo: File



Arestado ang dalawang babae, edad 52 at 48, matapos umanong makatangay ng P250,000 mula sa isang 23-anyos na biktima sa pekeng sangla-bahay sa Taguig City.


Ayon sa pulisya, naghanap ang biktima sa social media ng bahay na sangla-tira. Noong Nobyembre 15, inalok siya ng mga suspek ng bahay sa Acacia Estate, Brgy. Ususan, kapalit ng P250,000.


Nagbayad ang biktima ngunit makalipas ang tatlong araw, nadiskubre niyang hindi pala pag-aari ng mga suspek ang bahay.


Humingi siya ng tulong sa barangay, kung saan natunton ang dalawa. Inamin umano ng mga suspek ang panloloko at sinabing nagastos na nila ang pera.


Dinala ang dalawa sa himpilan ng pulisya para sa paghahain ng reklamong estafa sa Taguig City Prosecutor’s Office.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page