top of page

2-anyos na anak ni Jhong, humataw sa fiesta

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 20, 2024
  • 1 min read

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | January 20, 2024




Muling kinagiliwan ang dalawang-taong gulang na anak ni Jhong Hilario na si Sarina Oceanía matapos na ipakita ng sikat na celebrity baby ang kanyang kakayahan sa pag-awit at pagsayaw sa isang fiesta ng Barangay Bangkal, Makati.


Itinanghal niya ang "A Whole New World" na soundtrack ng Aladdin, na umani ng malakas na palakpakan mula sa mga tao.


Kasama ang kanyang daddy, sumayaw din si Sari sa ilang dance trends tulad ng "Kampana Ng Simbahan" at "Water."


Makalipas ang ilang sandali, isang video ng masayang performance ng celebrity baby ang inilabas sa kanyang Instagram page, @sarinahilario, na hawak ng kanyang mga magulang.


“My First Fiesta Performance!” saad sa caption.


Kamakailan lang, nagawa ni Sarina na magbigay ng saya sa maraming netizens. Ito’y matapos ibahagi ng actor-politician ang isang video na nag-viral kung saan kumakanta si Sarina ng soundtrack ng "The Lion King," na may pamagat na "Can You Feel the Love Tonight."

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page