2 ANAK NI PAOLO, NAGPAPAAMPON NA SA BAGONG DYOWA NI LIAN
- BULGAR

- Jun 7, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | June 7, 2023

Isa nga si Paolo Contis sa mga sinasabing magbibigay ng anghang sa bagong Eat… Bulaga!.
Sa dami kasi ng controversial issues na laging kinasasangkutan ni Paolo, asahan na
raw nating magiging bahagi ang mga ito ng programa.
Pero, mukhang hindi lang anghang ang bitbit ni Paolo dahil may asim at angas din ito kapag sumasagot sa mga tanong tungkol sa pribado niyang buhay.
Remember, minsan sa isang panahon ay nagkaroon ng “pagkakatulad” sina Paolo at Bullet Jalosjos ng TAPE, Inc..
Naunang naging girlfriend ni Paolo ang hindi na aktibo sa showbiz na si Nancy Castiglione bago ito naging GF ni Bullet.
And yes, minsan ding naging bahagi ng EB! ang ex-partner nitong si Lian Paz na happy na kapiling ang kanyang long-time partner na mula rin sa kilalang angkan sa Cebu.
In fact, may latest ngang kontrobersiya sa mga naging anak nito kay Lian dahil diumano, nagre-request na ang mga ito na palitan na ang kanilang apelyido at i-adopt na sila ng kinikilala nilang tatay sa ngayon.
Hmmm, siguro ay puwede rin tayong mag-expect na one of these days ay makikita nating nagpo-promote sa EB! ang dyowa ngayon ni Paolo na si Yen Santos kapag may mga projects na ito.
Tamang anghang, tamis, pait at asim talaga ang EB! kay Paolo pa lang. Hahaha!





Comments