ni Eli San Miguel @News | Oct. 27, 2024
Photo: Southern Police District
Habang papalapit ang Undas, inihayag ng Southern Police District (SPD) na magtatalaga sila ng humigit-kumulang 2,627 na mga tauhan sa iba’t ibang sementeryo sa Katimugang Metro Manila upang matiyak ang mapayapa at maayos na paggunita ng All Saints' Day at All Souls' Day sa Nobyembre.
Itatalaga ang mga tauhan ng SPD sa 26 na sementeryo, 20 kolumbaryo, mga pangunahing border, at mga pangunahing transport hub tulad ng mga terminal ng bus, istasyon ng MRT/LRT, at mga paliparan.
Para sa mga emergency, may mga medical team din na nakaantabay upang magbigay ng agarang tulong kung kinakailangan.
Comments