Search
  • BULGAR

$2,340 presyo ng Gilead drug kontra COVID-19

ni Lolet Abania | June 29, 2020




Nasa $2,340 ang presyo ng Gilead Sciences Inc., na covid-19 drug na remdesivir para sa 5-araw na treatment sa United States at iba pang mga bansa, at sinasabing ang single vial nito ay nagkakahalaga ng $390.


Para sa U.S. private insurance companies, ito ay $520 per vial, na ayon pa sa drugmaker, umabot sa $3,120 kada pasyente para sa treatment course nito gamit ang 6 vials ng Remdesivir.


Ito ay mababa sa $5,080 per course na rekomendasyon ng U.S. drug pricing research group, ang Institute for Clinical and Economic Review, noong nakaraang linggo.


Nagkaroon ng kasunduan ang Gilead at ang U.S. Department of Health and Human Services (HHS), kung saan ang ahensiya at ang states magbibigay alokasyon sa mga ospital bago matapos ang Setyembre.


Sinigurado rin ng HHS na mahigit sa 500,000 treatment courses ng drug ang ibibigay sa American hospitals sa September, ayon sa ahensiya.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.