top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Koreano, walang pang-upa sa apartment, nag-suicide

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 12
1 min read

ni Levi Gonzales @News | July 12, 2026



Koreano, walang pang-upa sa apartment, nag-suicide

Photo: File



Patay ang isang hindi pa nakikilalang Korean national matapos magpatiwakal sa loob ng kanyang inuupahang apartment sa The Cambridge Village, Brgy. San Andres, Cainta, Rizal.


Batay sa imbestigasyon, pasado alas-10 ng umaga, bago ang insidente ay kinausap umano ng caretaker kasama ang officer-in-charge ng naturang village ang dayuhan upang paalisin sa inuupahang unit dahil sa tinatayang tatlong taong hindi nabayarang upa.


Lumabas din sa imbestigasyon na gumamit umano ang biktima ng monoblock chair upang maabot ang bintana ng ikalawang palapag ng apartment bago ito umano tumalon.


Sa isinagawang scene investigation, napag-alaman din na mag-isang naninirahan ang dayuhang biktima at sumasailalim pa ito sa gamutan para sa sakit.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page