2-1 na ang Bolts, pinalakas ni Bishop
ni Gerard Arce - @Sports | April 11, 2022

Kapit-bisig sina Tony Bishop at Chris Newsome gayundin ang matinding depensa ng Meralco sa sa second half upang muling makuha ng Meralco Bolts ang kalamangan, 2-1 sa best-of -seven championship series laban sa Brgy. Ginebra sa bisa ng 83-74 kagabi sa dinagsang Mall of Asia Arena, 16, 104 na manonood sa Pasay City.
Ipinadama ng Meralco ang kanilang agresibong depensa sa second half ng hayaan lamang ang Ginebra ng makapuntos ang mga ito ng kabuuang 29 puntos (13pts sa 4th quarter) lamang at limitahan si Ginebra import Justin Brownlee sa 6 sa kabuuang 19pts puntos.
Gumawa ng 30pts, 16 rebs at 2 steals sa 11-of-25 shooting si Bishop, habang naglista ng 20pts, 11rebs, 6 assists, 2 steals at 1 block si Newsome, habang may ambag na 10pts si Allein Maliksi mula sa bench kasunod ng 0pts nung Game 2.
Naglaan man ng mainit na pagsiklab at lagablab na opensiba sina Justine Brownlee at Christian Standhardinger sa first half upang tulungan ang Gin Kings na makuha ang 48-40 na kalamangan pero kinapos ito. Nakita si Brownlee sa bawat sulok ng court nang rumehistro ito ng 13pts, 7rebs, 6 assists, 5 blocks at 1 steal sa 6-of-9 shooting, habang kumana naman ng 10pts at 3 rebs sa 5-of-9 shooting si Standhardinger.
Naagaw ng Ginebra ang bentahe sa Meralco sa first quarter ng matamo nito ang unang kalamangan sa 19-18 hanggang sa magtapos ito sa 27-22 papasok ng sumunod na quarter. Nakuha ng Gin Kings ang 13-point lead na kalamangan sa 43-30 sa nalalabing 5:34 sa lay-up ni Thompson. Matagumpay na ipinadama ng Gin Kings ang kanilang inside presence sa pagkana ng 30 puntos sa 8 lamang ng Meralco, habang may 6-of-15 sa 3-pt arc ang Meralco, habang may 13% lamang o 2-of-15 ang Ginebra. Mayroon namang 13pts si Bishop at 9pts kay Newsome para sa Bolts.
Naging agresibo ang Meralco sa third period sa pagtutulungan nina Bishop, Newsome at Almazan ng nakakamada ito ng 22 puntos. Humataw ng 10pts si Bishop para agawin ang kalamangan sa 62-61, habang nalimitahan ang Ginebra sa 13pts lamang kasunod ng sangkaterbang mintis sa free throw line nina Standhardinger at Brownlee.
Sa gitna ng pandemya, dinagsa ito ng may 16k na audience kung saan dinaig ang 13,272 na mga manonood noong Marso 27 sa parehong venue tampok ang semis twinbill ng Bolts nang talunin ang Magnolia Hotshots at ang laban ng NLEX na tinalo ang Kings.
Mga laro sa Miyerkules:
Smart Araneta Coliseum
Game 4 – Best-of-seven series
6:00 n.g. – Meralco Bolts vs Brgy. Ginebra





Comments