top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

1st Phl Inter-Collegiate Badminton sa Setyembre

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 26, 2022
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | August 26, 2022



Papalo muli ang mga pinakamahusay na kabataan sa pagbubukas ng pinakaunang edisyon ng Philippine Inter-Collegiate Badminton Championships. Gaganapin ang torneo mula Setyembre 10 at 11 sa Centro Atletico sa Cubao, Quezon City.


Napipisil na hindi bababa sa walong paaralan ang lalahok. Nagpadala na ang pamunuan ng imbitasyon sa lahat ng 18 kasapi ng University Athletic Association (UAAP) at National Collegiate


Athletic Association (NCAA) at hinihintay na lang ang kanilang pormal na kumpirmasyon.


Limang kategorya ang paglalabanan na Men’s at Women’s Singles, Men’s at Women’s Doubles at Mixed Doubles. Mag-uuwi ng P50,000 ang mga kampeon, P20,000 para sa pangalawa at tig- P10,000 para sa dalawang iba pang papasok sa semifinals kasama ang medalya at regalo buhat sa mga sponsor.


Ang torneo ay magsisilbing preseason para sa mga malalaking liga na magsisimula ng kanilang bagong taon sa mga darating na buwan. Ayon kay Project Director Imee Moreno, itinatag nila ang torneo upang matugunan ang kakulangan ng kompetisyon at bigyan ng daan ang mga varsity na makapaghanda ng mabuti.


Malaking tulong ang torneo para sa mga paaralan sa NCAA matapos ihayag nitong linggo ng Season 98 host Emilio Aguinaldo College na hindi kasama ang Badminton sa kalendaryo ngayong taon. Hinihantay pa ang pormal na pahayag ng host Adamson University kung magbabalik ang Badminton sa UAAP Season 85 matapos itong huling ganapin noong Season 82. Dahil ito ang unang edisyon, hindi maniningil ng bayad upang magparehistro.


Matagumpay na idinaos ng PBAD at SMART ang 2022 Badminton Asia Championships noong Abril sa Muntinlupa Sports Center at dahil dito naisipan nila na ipagpatuloy ang pagpalaganap ng Badminton sa mga kolehiyo at buhayin muli ang National Ranking na halos hindi gumalaw sa nakalipas na dalawang taon dagdag ni MVPSF Executive Director Jude Turcuato.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page