Search
  • BULGAR

1st Leg Imported and Local Challenge race sa MMTCI, Malvar

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | September 25, 2020



Hahataw ngayong Linggo Setyembre 27, 2020 ang 1st Leg Imported and Local Challenge Race sa Metro Manila Turf Club,Inc. sa Malvar, Batangas.


Siyam na kalahok ang maglalaban na imported at local horses. Ang mga kalahok ay pangungunahan ng Always Dreaming, American Factor, In the Zone, Indy Bell, Manificent Lady, Sky Candy, Spuntastic, Tony’s Love, Wish Afan Star. May nakalaang P1,000,000 na guaranteed prized na hahatiin sa apat na bahagi at tatanggap ng P600,000 ang unang makatatawid sa finish line.


Tatanggap ng P225,000 ang tatanghaling 2nd placed, P125,000 ang tatanghaling 3rd place at makatatanggap ng P50,000 ang magiging 4th place. Kasabay nito magaganap sa Oktubre 4 ang Hopeful Stakes Race at 3 Year Old Locally Bred Stakes Race sa San Lazaro Race Truck sa Carmona,Cavite. Ang Hopeful Stakes Race ay may naghihintay na P600,000 sa 1st price, samantala tatanggap ng P225,000 ang 2nd price. Mapupunta naman ang P125,000 bilang 3rd price at may pampalubang loob sa 4th place na halagang P50,000 at tatanggap naman ng P30,000 ang horse breeder.


Tatanggap bilang unang premyo na P300,000 ang magiging kampeon sa 3YO Locally Bred Stakes Race at tatanggap ng P112,500 ang 2nd place. Tatanggap naman ng P62,500 ang 3rd place at mag-uuwi ng P25,000 ang 4th place at tatanggap ang horse breeder ng P15,000 sa tatanghaling kampeon na kabayo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.