1M kostumer, nawalan ng kuryente dahil kay ‘Paeng’ — Meralco
ni Lolet Abania | October 29, 2022

Ipinahayag ng Manila Electric Company (Meralco) na nagdulot ng temporary power interruptions ang Severe Tropical Storm Paeng, kung saan apektado ang mahigit isang milyon nilang mga customer.
Sa isang advisory ngayong Sabado, ayon sa Meralco, nakapag-record sila ng panandalian at matagal na power interruptions, na nakaapekto sa 1,143,499 kostumer mula sa kanilang mga franchise area simula umaga ng Sabado dahil ito sa bagyo.
“As of 11:00 a.m. today, affected customers are already down to 101,516, majority of them are in parts of Batangas and Quezon and the rest are in parts of Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal and Bulacan,” saad ng Meralco.
“Our crews are working round the clock to restore power at the soonest possible time,” dagdag ng kumpanya.
Hinimok naman ng Meralco ang mga customers na i-report mararanasang mga power outages at iba pang concerns, sa pamamagitan ng kanilang Facebook at Twitter accounts o kaya ay mag-text sa mga numero: 09209716211 (Smart) at 09175516211 (Globe).





Comments