top of page

1M doses ng Sinovac COVID-19 vaccine, dumating na sa ‘Pinas

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 6, 2021
  • 1 min read

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 6, 2021


ree

Dumating na sa bansa ang karagdagang 1 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ngayong Linggo nang umaga.


Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport ang Cebu Pacific flight 5J671 na may lulang Sinovac COVID-19 vaccines kaninang alas-7 nang umaga.


Sina Health Secretary Francisco Duque III at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at Chinese Embassy officials ang sumalubong sa pagdating ng naturang bakuna na dadalhin sa storage facility sa Marikina City.


Ayon naman kay Philippine Ambassador to China Jose Santiago “Chito” Sta. Romana, inaasahang makatatanggap pa ang Pilipinas ng 2 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccine bago matapos ang taong ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page