top of page
Search
  • BULGAR

1M bagong botante, registered na – Comelec

ni Lolet Abania | July 14, 2022



Halos 1 milyon na bagong botante sa buong bansa ang nakapagparehistro hanggang nitong Hulyo 12, batay sa report ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Huwebes.


Sa isang bulletin na inilabas ni acting Comelec spokesperson Rex Laudiangco, ang poll body ay nakapag-tally ng 909,687 new registrants sa ika-8 araw ng pagpapatuloy ng voter registration.


Sa nasabing bilang, 571,740 botante ang nasa 15-17 years old bracket; 289,206 bagong voters na edad 18-30; at 48,741 new registrants na nasa 31-anyos at pataas.


Mayroong 1,209,597 kabuuang aplikasyon ang pinroseso ng poll body hanggang nitong Martes, kabilang na ang reactivation, pag-transfer ng voter registration, at pag-transfer mula sa overseas voting sa local voting.


Tatagal ang voter registration mula Hulyo 4 hanggang 23, 2022.


Ang iskedyul ng registration schedule ay mula Lunes hanggang Sabado, kabilang ang holidays, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon sa lahat ng Comelec city at municipal offices na may mga satellite at off-site registrations na ginaganap para makapag-facilitate ng mas maraming aplikasyon.


Ayon sa Comelec, target ng pagpapatuloy ng voter registration ay mga bagong botante para sa Sangguniang Kabataan. Ito iyong magiging 15-anyos na, o mga nasa edad 15 hanggang 17. Para sa mga hindi pa edad 15, subalit magiging 15-anyos na sa Disyembre 5 ay maaari nang magparehistro.


Ang susunod na halalan ay ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Disyembre 5, 2022.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page