top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

19K-katao, apektado ng wildfire

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 25, 2023
1 min read

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | July 25, 2023




Inilikas ang mga turista ng Rhodes dahil sa pananalasa ng wildfire sa Greece.

Mahigit isang linggo na ang wildfire sa central at south Rhodes na kilalang isla na dinarayo ng mga turista.


Nasa 19,000 katao na ang kanilang inilikas dahil sa pangamba na sila ay mapahamak. Ang sunog ay nananalasa sa Kiotari at Lardos na siyang delikado sa mga residente.


Mula noong nakaraang mga linggo, mayroong 8-katao ang itinakbo sa pagamutan dahil sa hirap sa paghinga dahil sa makapal na usok.


Maraming mga flights din patungo sa nasabing isla ang nagkansela.


Nagbunsod ang wildfire dahil sa nararanasang ilang linggong heatwave na inaasahang magtatagal pa ng ilang araw.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page