190K pulis, ide-deploy para sa Kapaskuhan – PNP
ni Lolet Abania | November 18, 2022

Nasa tinatayang 190,000 tauhan ang kanilang ide-deploy upang matiyak ang kaligtasan ng publiko itong papalapit na ang Kapaskuhan, ayon sa Philippine National Police (PNP) ngayong Biyernes.
“It will comprise more or less 190,000 sapagkat ang ating strength as of now is 227,000,” pahayag ni PNP Public Information Office (PIO) Chief Police Colonel Redrico Maranan sa isang televised public briefing.
Ayon kay Maranan, isasagawa na ng PNP ang kanilang Oplan Ligtas Pasko, kung saan magdaragdag sila ng mga police visibility at patrols sa mga lugar na maraming tao na nagtitipun-tipon, kabilang ang mga simbahan, malls, bazaars, at concert venues, at iba pa.
Nakatakda na rin ang PNP ng mga police assistance desks sa iba’t ibang lugar.
Una nang ipinahayag ng PNP ang tungkol sa tinatawag na focus crimes -- murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, at carnapping – na naging mas mababa sa unang 11 buwan ng 2022 kumpara sa parehong mga panahon noong huling tatlong taon.
Iniuugnay naman ni Maranan ang pagbaba ng focus crimes sa police visibility ng ahensiya.





Comments