top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

19% ng mga estudyante, fully vaccinated kontra-COVID-19 – DepEd

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 19, 2022
2 min read

ni Lolet Abania | August 19, 2022



Nasa 19 porsiyento lamang ng mga learners ang fully vaccinated laban sa COVID-19, kung saan tatlong araw pa bago ang pagsisimula ng School Year 2022-2023, ayon sa Department of Education (DepEd) ngayong Biyernes.


“Sa learners, ang vax rate natin nationwide is 19%,” pahayag ni DepEd spokesperson Michael Poa sa isang press briefing, na aniya ang mga datos ay mula sa Department of Health (DOH).


Ayon kay Poa, malaking bagay sa mababang figure ay dahil sa ang programa ng pagbabakuna ng gobyerno laban sa COVID-19 ay hindi mandatory.


“Of course we would like to have 100% vaccination rate but the truth of the matter is the vaccination program of the government is not mandatory,” pahayag ni Poa nang tanungin kung ang mababang vaccination rate sa mga bata ay isang banta o threat kapag ang mga klase ay nag-resume na sa Agosto 22.


Gayunman, sinabi ni Poa na ang vaccination rate sa mga teaching at non-teaching personnel ay nasa 92%.


Una nang binanggit ng DepEd na magsasagawa sila ng mobile vaccination sa mga paaralan upang tumaas ang vaccination rate ng mga kabataan.


Subalit ayon kay Poa, ang katulad na pagsisikap ay may kaakibat na counselling para mahikayat ang mga kabataan na magpabakuna laban sa COVID-19.


“I cannot give you an exact timeline but we are coordinating this effort with the Department of Health,” saad ng opisyal.


Sinabi rin ni Poa na mag-iisyu ang DepEd ng isang department order hinggil sa COVID-19 infection containment strategy kasabay ng pagpapatuloy ng face-to-face classes.


“We are issuing a new memorandum focused on safety standards. Hopefully, it will be released today or tomorrow,” ani Poa.


“This will address isolation, quarantine requirements in the event somebody tests positive for COVID-19 while in the classroom,” dagdag pa niya.


Kaugnay nito, nasa tinatayang 27 milyong mag-aaral ang nakapag-enroll na para sa School Year 2022-2023.


Sinimulan naman ng gobyerno ang COVID-19 vaccination program para sa mga kabataang edad 5 hanggang 11-anyos noong Nobyembre 2021.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page