Search
  • BULGAR

19 kataong dumalo sa religious gathering, positive sa COVID-19

ni Thea Janica Teh | July 31, 2020




Umabot sa 19 katao ang nagpositibo sa COVID-19 matapos dumalo sa isang religious gathering sa Bataan province.


Ayon kay Engr. Ernesto Vergara, COVID-19 team chief ng Abucay town na ang gathering ay idinaos sa isang hotel sa Balanga City sa 4 na Linggo ng buwan ng Hulyo.


Nakasailalim ngayon ang Bataan sa modified general community quarantine (MGCQ) na pumapayag sa religious gathering na may kapasidad na hanggang 50% sa venue.


Sa 19 katao na nagpositibo sa COVID-19, 15 dito ay mula sa Abucay at ang natitira ay mula sa iba pang bayan. Ang 12 katao ay kasalukuyang nasa isolation facility sa Mariveles at ang iba ay dadalhin din sa ospital.


Ayon kay Vergara, napakalakas ng paghawa ng COVID-19 galing sa Metro Manila. Ito umano ay nakuha nila sa kanilang pastor.


Kaya naman pansamantalang isasailalim sa lockdown ang isang barangay kung saan naninirahan ang 11.


Ibinahagi naman ng awtoridad na may isa ng namatay dahil sa COVID-19 at kasalukuyang nagsasagawa ng contact tracing upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.