19-anyos na student leader, kinatay sa inuman
- BULGAR

- 2 days ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | July 17, 2026

Photo: File
Patay ang isang 19-anyos na estudyante matapos pagsasaksakin ng edad 23 na lalaki rin sa kalagitnaan ng inuman sa Cagayan, madaling-araw ng Miyerkules.
Kinilala ang biktima na si Zanter Troy Dela Cruz Soriano, student leader at miyembro ng Boys of M3 Cagayan Valley Zone Skating Team.
Ang suspek naman ay si Vincent Danga, ng Iguig, Cagayan.
Nagkakasiyahan ang biktima at suspek kasama ang ilang kalalakihan sa bahay ng isang kaibigan sa Atulayan Norte nang magkaroon ng pagtatalo ang dalawa na nauwi sa rambulan.
Sa gitna ng kaguluhan, dito na pinagsasaksak ni Danga ang biktima.
Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo ngunit naaresto rin makalipas ang ilang oras sa bayan ng Iguig.
Isinugod naman si Soriano sa San Raphael Hospital ngunit idineklara siyang dead-on-arrival.
Sinampahan na ng pulisya ng kasong murder ang suspek.





Comments