18 Pinoy seafarers, binihag sa Oman — DFA

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 13, 2023

Naghihintay pa ng impormasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) kung paano binihag ng rehimeng Iran ang umaabot sa 18 Pinoy at 1 Greek na crewmembers ng isang oil tanker sa Oman.
Wala pa namang kumpirmasyong inilabas kaugnay sa sinasabing insidenteng kinikilan ang MV St. Nikolas malapit sa Oman at Hormuz Strait.
Ani DFA spokesperson Ma. Teresita Daza, naghihintay pa sila ng opisyal na report kaugnay sa nasabing insidente.
Sinabi ng UK Maritime Trade Operations na may limang armadong lalaki na may suot na maskara ang sumakay sa St. Nikolas sa Gulf of Oman nu'ng umaga ng Huwebes, ayon sa ulat ng Seatrade Maritime News.
Saad ng isang maritime expert, "Iran has confirmed that it was responsible for the hijacking of the oil tanker MV St. Nikolas near Oman on Jan. 11, 2024. The US-controlled and Greek-operated tanker was carrying 145,000 tons of oil from Iraq to Turkey."
May mga hindi kumpirmadong ulat naman ang nagsasabing tinakpan ang mga security camera matapos salakayin ang tanker.





Comments