top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

18 patay sa Russia matapos uminom ng bootleg alcohol

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 17, 2021
1 min read

ni Jasmin Joy Evangelista | October 17, 2021



Arestado na ang dalawang suspek hinggil sa pagkamatay ng 18 katao sa Russia matapos uminom ng bootleg alcohol.


Ayon sa mga imbestigador, ilang mga indibidwal ang nagbebenta ng alcohol liquid sa publiko na mapanganib sa kalusugan nitong mga nakalipas na linggo sa Yekaterinburg.


“Eighteen people died after drinking the liquid,” pahayag ng Russian Authorities.

Sa ngayon, ongoing na ang imbestigasyon hinggil sa pagbebenta ng sub-standard goods na ikinasawi ng ilang mga indibidwal.


Batay sa report, simula Oktubre ay nasa 36 indibidwal na mula sa Orenburg region ang nasawi matapos uminom ng bootleg alcohol na naglalaman ng methanol na isang highly toxic chemical.


Dahil dito, hinigpitan pa ng Russian government ang kanilang legislation matapos ang insidente.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page