top of page
Search
  • BULGAR

18 patay sa pag-atake sa Congo

ni Eli San Miguel @News | May 8, 2024


Tumama ang hindi bababa sa limang mga rockets sa mga kampo sa silangan ng Congo na malapit sa Goma, kung saan naninirahan ang mga na-displace na tao. Iniulat ng U.N. humanitarian agency OCHA na 18 katao ang namatay at 13 naman ang sugatan.


Nagpapakita ang mga pinsalang ito ng lumalalang sitwasyon dahil sa tunggalian sa pagitan ng mga pwersa ng Congo at ng rebelde na M23, na sinusuportahan ng Rwanda.


Inihayag ng Democratic Republic of Congo at ng United States na isinagawa ang mga pag-atake mula sa teritoryo na kontrolado ng tropang Rwandese at ng M23.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page