18 months daw inipon ang bwisit sa co-star… CRISTINE, TINOTOO ANG SABUNOT, ISABELLE, RUMESBAK NG SIPA
- BULGAR

- 47 minutes ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | May 2, 2026

Photo: YT / Cristine Reyes at Isabelle Daza - The Sexytime Podcast
Inalala ni Cristine Reyes ang iconic fight scene nila ni Isabelle Daza sa isang proyekto noong 2016 under Kapamilya network, ang Tubig at Langis (TAL).
Aniya sa episode ng Sexytime Podcast (SP) kung saan guest siya, “Bwisit na bwisit na talaga ako.”
Esplika niya, “The reason is everything just exploded in that scene,” kung saan ang kanilang leading man ay si Zanjoe Marudo.
Patuloy niya, “‘Di lang ‘to nangyari sa isang araw ng taping—18 months ‘to. Bwisit na bwisit na talaga ako.”
“Nagkaroon ako ng chance sa beach. ‘Di n’ya siguro in-expect na talagang tototohanin ko ‘to. This is my chance after how many months mo akong pinahirapan,” wika ng aktres.
“It’s my chance, bro. Nagdyu-jiu-jitsu pa ako noon, 10 years ako nag-martial arts. Tapos, ang laki n’yang tao, ang liit ko. Talagang ginanu’n ko ‘yung ulo ni Belle, slam! Tapos sinipa n’ya ako, gumanti s’ya sa akin.”
Hindi naman daw kasi ine-expect ni Isabelle na tototohanin ni Cristine ang fight scene nila, kaya na-caught off-guard siya.
Sa kabila nito, naging epektibo ang eksena dahil isang take lang ang kailangan.
“Sobrang lakas n’ya. S’yempre, I also did not know that she was gonna do that. I didn’t also want to break character because I felt like this is it—this is a big scene. Especially how the director hypes you, parang feeling mo, okay, totoo na ‘to. Sayang din if break character, ‘di ba? So ang sakit-sakit, she was bringing me 50 meters across the beach,” pagbabahagi ni Cristine.
Matapos ang eksena, ibinahagi ni Cristine na bumalik lang siya sa tent at hindi kinausap si Isabelle habang umiiyak ito sa nangyari.
“Totoo talaga ‘yung ginawa ko kasi sorry, ah, naipon na ‘yun, Belle. Ang dami mong ginawa sa akin na ‘di mo alam. Alam mo ‘yung ‘di na lang ako nagrereklamo kasi ‘pag nagreklamo ako, patay ako. It girl ‘to, eh,” pakli pa ng aktres.
Very apologetic naman si Cristine Reyes sa nangyari at naintindihan ito ni Isabelle Daza nang maipaliwanag ang lahat.
“But in the end, parang it worked to our favor kasi lumaki ‘yung show because of that,” sambit ni Cristine.
May nangyari mang ganoong eksena, nanatili namang in good terms ang dalawang aktres.
HINDI sukat-akalain ng beteranang aktres na si Dina Bonnevie na mapapabilib siya sa akting ng sexy aktres-vlogger na si Ivana Alawi.
Sa isang interview, unang direktang pinuri ni Ms. D ang ugali ni Ivana matapos silang magkasama sa Love Is Never Gone (LING) na mapapanood sa Prime Video sa May 8.
Ayon kay Dina, namangha siya dahil sa kabila ng kasikatan ni Ivana, nananatili itong napakagalang lalo na sa mga senior stars. Hindi raw ito diva sa set at marunong makinig sa mga payo.
Nabanggit din niya na nakita niya kung gaano kabait ang aktres sa mga staff at crew.
Personal na nasaksihan ni Ms. D ang pagiging genuine ng aktres sa likod ng camera.
Kilala ang beteranang aktres sa pagiging prangka. Kung may napapansin siyang mali sa isang katrabaho, sinasabi niya ito, tulad ng mga nakaraang isyu tungkol sa professionalism ng ibang artista.
Isang malaking validation ito sa magandang karakter ng vlogger-actress mula sa isang de-kalibreng aktres.
Aniya, hindi lang pala siya sa pagba-vlog magaling kundi maging sa pag-arte, at isa pa, mabuting tao siya lalo na sa set dahil pinakikisamahan niya ang lahat.
Ani ng isang netizen, “Ganu’n naman si Ms. D (Dina), lahat pinupuri n’ya basta ‘di nag-iinarte ang mga artista at nakikita n’yang marespeto sa mga kasama. But, ‘pag may nakita s’yang ‘di kanais-nais lalo’t may attitude, asahan mong prangka n’yang sasabihin kung ano’ng negatibo meron sa iyong ugali.”
Ganern?
Kahit nasa public place… KATHRYN AT MAYOR MARK, WALA NANG PAKI SA IBA, TODO-PDA SA DATE
HINDI pa man hina-hard launch ng aktres na si Kathryn Bernardo ang rumored politician boyfriend niyang si Lucena Mayor Mark Alcala, kung saan-saan naman nakikita lagi ang dalawang personalidad.
Kamakailan, muli umanong namataan ang dalawa sa isang flea market na tila bibili ng street food na butterfly squid. Nakuhanan ng larawan ang mga ito na nakatingin sa isa't isa habang kumakain.
Walang eksaktong lugar kung saang flea market naroroon ang dalawa. May nagsasabing posible raw na sa San Juan flea market ito, pero hindi naman opisyal na kumpirmado.
Sa awra ng aktres, makikita sa mukha niya na masaya siya at nag-e-enjoy kasama ang rumored boyfriend. Simple lamang ang kasuotan ng dalawang personalidad, na tipikal sa nagde-date at walang pakialam sa kanilang paligid kahit makaagaw man sila ng atensiyon ng mga taong naroroon.
Hay, inlababo na ngang muli ang isang Kathryn Bernardo.
Anyway, kung marami ang bumabatikos sa pagmamahalan nina Kath at Mayor Mark, may mga nagwi-wish naman na sana nga ay ang Lucena mayor na ang ‘the one’ ng Philippine Asia’s Superstar.




Comments