18-anyos, tiklo sa P4.9M drugs

by Mervin Reyes @News | October 4, 2026

Photo: 4.9M nasabat sa 18 years old sa buy-bust operation - PNP Pangasinan Police Provincial Office
Arestado ang isang 18-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng mahigit P4.9 milyong hinihinalang marijuana sa buy-bust operation sa Urdaneta City, Pangasinan, nitong Biyernes, Oktubre 2.
Nasamsam sa suspek ang 27.7 kilo ng dried marijuana leaves, 511 gramo ng marijuana kush at 240 mililitro ng hinihinalang liquid marijuana na nagkakahalaga ng P4,913,400.
Nakuha rin sa kanya ang isang hindi rehistradong .22-caliber revolver na may anim na bala, buy-bust at boodle money, at isang iPhone 15.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nahaharap sa mga reklamong paglabag sa RA 9165 at RA 10591.





Comments